Taong 2008 ang unang beses na pagsakay ko sa eroplano. Nag-mula ako sa Bulacan. Papunta ako ng Davao City noon kasama ang Kuya ko at ang Tita at Tito ko. Sinama nila kami doon para mag-aral. Sa unang tungtong ko doon ay may halong saya at lungkot ang naramdaman ko. Panibagong karanasan ito sa akin.
Dahil nga galing ako ng Bulacan at purong Tagalog ang nakasanayan kong lenggwahe, sa una ay nahirapan akong intindihin ang Bisaya. Lalo na nung pumasok na ako sa eskwela, wala pa akong naging kaibigan o kakilala kasi hirap akong kausapin sila. Nakakaintindi naman ang mga Dabawenyo ng Tagalog pero gaya ko, hirap din sila. Pero hindi nag-tagal, natutunan ko ang pagbi-Bisaya. Nakakatuwa nga itong pag-aralan. At madali naman din kasi ako maka-adapt ng mga nasa paligid ko.
Sa usapang pagkain ng Davao naman. Mga kakaiba at bagong pagkain din ang mga natikman ko doon. Tulad ng Durian (ang prutas na pinagmamalaki ng mga Dabawenyo). Sa una ay nabahuan ako sa amoy nito at unang beses ko din kasi nakakita nito. Sa unang tikim ko rin nito ay hindi ko ito nagustuhan masyado kasing creamy at kakaiba ang itsura nito. Pero hindi nagtagal ay hinahanap-hanap ko ito noon, kasi masarap at matamis nga talaga ito. Masarap ang pagiging creamy nito. Sikat din doon ang Suha o Pomelo, matamis ito kung maingat sa pagbabalat. Nakakakita ako ng Suha dito sa Bulacan pero iba pa din yung fresh at galing Davao. Marang. Prutas din yan na sikat sa Davao. Ka-uri ito ng Langka. Malilit at marami ang mga buto nito. Malinamnam ang lasa ng Marang, may kaaya-ayang bango lalo na kung ito ay hinog. Hindi katulad ng Durian, sa unang beses na tikim ko ay nasarapan na ako. Pero kakaiba pa din ang unang tingin ko. Isa pa sa sikat na prutas doon na natikman ko ay ang Mangosteen. Pinaghalong maasim na matamis ang lasa nito. Masustansya at nagsisilbing gamot ito sa kanser. Nagkakalat ito sa kamay na kulay lilac kapag kinakain ito. Nakakatuwa rin yung streetfoods doon, yung saging na saba sa kanila ay iniihaw at saka nilalagyan ng asukal at margarine. Unang beses kong makakita ng saging na inihaw. Ang tawag nila sa saging na iyon ay Ginanggang. Masarap ito nang matikman ko at swak naman ito sa bulsa. Nagkalat din ang mga ‘chicken inasal’ na kainan doon, na kaya naman ng ating bulsa. Ang suman doon ay tsokolate ang kapares. Masarap ang pagkain nilang ito lalo na sa almusal. Nakalimutan ko nga lang tawag nila sa pagkain na iyon. Tunay ngang marami silang maipagmamalaking pagkain na tunay ring masasarap.
Naging masaya at maganda ang karanasan ko roon sa Davao. Sa pag-aaral pa lang ng kanilang lenggwahe ay nasiyahan na ako. Para na rin hindi ako mahirapan sa pakikipag-komunika sa kanila. Mga bago at masasarap na pagkain ang natikman ko. Kahit na unang beses kong punta doon ay pakiramdam kong matagal na akong naroon. Kahit na isang taon lang ang natapos ko sa pag-aaral doon ay hindi ko naman ito pinaghinayangan. Dahil talagang napamahal na rin ako sa Davao City dahil sa mga karanasan ko doon. Mga unang beses kong karanasan doon ay hindi ko talaga malilimutan. Ang lugar kung saan hindi lang sana una at huling beses na punta pero marami pang beses. Dahil iba talaga ang saya sa Davao.