Malolos, Bulacan – Matagumpay na naisagawa ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)-Bulacan Chapter at ng Radyo Bulacan ang seminar patungkol sa Disaster Reporting. Ito ay para sa mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang unibersidad at mga mamamahayag. Isinagawa ito kahapon, Hulyo 14 sa Hiyas ng Bulacan Convention Center.
Pinamagatan ang seminar na ito na, (Dis)Covering Disasters. Layunin nitong malaman ng mga mamamahayag kung anong kalamidad ang nagbabanta sa Bulacan. Kung anong paghahanda ang isinasagawa ng mga pamahalaang lokal. At kung paano makakatulong sa pagtugon sa kalamidad.
Ang mga naging tagapagsalita ng seminar na ito ay sina Liz Mungcal, PDRRM Officer. Binahagi nya kung ano ba ang ating maibabahagi sa ating komunidad upang maging disaster resilient community tayo. Si Atty. Julius Victor Degala naman ay ibinahagi nya ang Cyber Libel, kung ano ang ating limitasyon sa pagpapahayag sa mpamamagitan ng Social Media. Ibinahagi din naman ni Mr.Dino B. Balabo kung Ano at Kailan ba dapat tayo magpahayag ng balita tungkol sa kalamidad sa ating lalawigan. At si Mr.Rommel A. Ramos naman ay ibinahagi nya kung ano-ano ba ang mga maaari nating gamitin upang magpahayag ng balita sa kalamidad, na tungkol na lang din sa pamamagitan ng Social Media.
Mula sa suporta ng Provincial Government of Bulacan, City Government of Malolos, Municipal Government of Guiginto, Philippine Press Institute, BSU-CAL, Mabuhay, PromdiNEWS, at Mabuhay Online upang maidaos ang seminar na ito.
Maging handa sa mga darating na kalamidad. Alamin kung paano tayo makakatulong sa pagtugon ng mga ito. At maipahayag ang tamang impormasyon sa kalamidad na nangyayari sa ating mga bayan.