Malolos City, Bulacan – Unang panglalalawigang kumperensiya sa kontribusyon ni Gat. Marcelo H. Del Pilar sa rebolusyon at paghubog sa bansa isinagawa kahapon, ika-30 ng Agosto 2014, ika-1 ng hapon sa Malolos Sports and Convention Center, Lungsod ng Malolos, Bulacan.
Ang kumperensiya ay pinamagatang “Mastermind”. Paghahayag kung sino at kung ano ang mga naiambag ng mastermind ng katipunan na si Gat. Marcelo Del Pilar. Mula sa pagoorganisa at pangunguna ng Bulacan Salinlahi Inc., National Union of Journalists of the Philippines-Bulacan Chapter at Radyo Bulacan. Kasama ang pag-suporta ng City Government of Malolos, Philippine Press Institute, Mabuhay at PromdiNEWS.
Sinimulan ang nasabing kumperensiya sa panalangin at pambansang awit sa pangunguna ni Shane Velasco. Ang kumperensiya ay pinamagitan ni Isagani Giron, Chairperson ng Bulacan Salinlahi Inc. at naghandog naman ng bating-pagtanggap si Mayor Christian Natividad ng Malolos City.
Ang nagging panauhing tagapagsalita ay si King Cortez. Isang historyador at mananaliksik.
Ayon sa pagpapakilala, si Cortez ay minsang nag-post sa facebook tungkol kay Marcelo Del Pilar na isang Mastermind. Siya rin ay isang security guard. At bilang historyador, kumalap sya ng maraming impormasyon tungkol sa ating Mastermind na si Plaridel.
Ilan sa kanyang mga tinalakay ay ang pinaka-kahulugan ng Founder at Mastermind. Marami ang hindi nai-publish na pahayag at dokumento na patungkol kay Andres Bonifacio. Binahagi din nya na sumapi si Bonifacio sa kapatirang katipunan.
Kung saan ipinanganak si Bonifacio ay doon din ang lugar ng mga katipunero. Ito ay ang Trozo o Tundo, taong 1880. Naging katulong din ni Plaridel si Bonifacio sa La Solidaridad. Si Bonifacio din daw ay tinawag na Foster Father.
Ayon din kay cortez, noong nagbotohan sa pagiging bayani ng bansa, si Plaridel ang nakakarami ng boto. Ngunit hindi raw kasi nagging madula ang kanyang pagkamatay. Kaya ang naturing na bayani n gating bansa ay si Rizal.
Si Marcelo Del Pilar ay isang rebolusyonaryo ng ating bansa. Habang nasa Espanya sya, una sa kanyang isipan ang ating bansa ngunit namamalagi naman sa kanyang puso ang lalawigang kinalakhan nya, ang Bulacan.
Ang nasabing kumperensiya ay dinaluhan ng mga Journalism Students ng Bulacan State University, Bulacan Salinlahi, Social Media Users o Bloggers, iba pang opisyales at mga mamamahayag.