Malolos, Bulacan – Sa pangunguna ng Bulacan Press Club Inc., isang talakayan ang isinagawa tungkol kay Gat. Marcelo Del Pilar at ang papel ng mga lokal na pahayagan sa Bulacan tungo sa mabuting lipunan noong ika-2 ng Setyembre 2014 sa Bulwagang Francisco Balagtas, Hiyas Convention.
Ang mga pahayangang lokal ng Bulacan na Reflector, Mabuhay, Luzon Times, News Catcher, Bulakan Herald at News Core ay nagtipon-tipon upang italakay at ibahagi ang kanilang mga kaalaman samga estudyante ng pamamahayag.
Ang Associate Editor ng Mabuhay na si Perfecto V. Raymundo ang unang nagbahagi ng hapyaw na kasaysayan ng mga local na pahayagan sa Bulacan. Nagsimula ang pamamahayag sa Pilipinas noong 1898. Setyembre 29, 1898 ang unang pahayagan sa Malolos at si Antonio Luna ang naging unang patnugot nito. “Pinag-isipan, pinag-paguran ang ating pahayagan” saad nya sa naging biro nya pero makatotohanang masakit at ayaw naman nating makita na ang pahayagan ay pinangbabalot ng tinapa.
Tinalakay ni Isagani Giron ang pagiging idolo nya kay Gat. Marcelo Del Pilar. “Inatake nya ang mga prayle at pamahalaan para sa sambayanang Pilipino” ilan sa isinaad ni Giron tungkol sa ginawa ni Plaridel sa ating bansa.
Humapyaw din naman ng pagbabahagi si King Cortez, isang historyador, tungkol sa likod ng bagong kasaysayan na si Gat. Marcelo Del Pilar bilang utak ng katipunan.
Ibinahagi rin naman ni Michael Charlestian “Xiao” Chua, isang professor ng history sa De La Salle at isang TV Historian, na si Gat. Marcelo Del Pilar ay ang Ama ng Pamamahayag ng bansa. Si Plaridel ay isang Separatista at malaki ang paniniwala nya rito. Ang La Solidaridad ay kinsenaryo kung ilabas.
Ang mga local na pahayagan sa Bulacan ay isang matapang na local media. “Magsabi ng Katotohanan” ang dapat na gawin lalo’t higit ng mga mamamahayag sa lokal na pahayagan. Ilan sa isinaad ni Jose Rey Munsayac, patnugot ng Luzon Times.