San Miguel, Bulacan – Nasa Educational Tour sa Madlum River ng Brgy. Sibul San Miguel, Bulacan noong Agosto 19, 2014 ang mga estudyante ng BS Tourism ng Bulacan State University nang maganap ang isang malagim na trahedya. Pitong estudyante ang naitalang nalunod at namatay sa nasabing lugar.
Ang nasabing Educational Tour ng mga estudyante ng tourism ay taon-taon ginaganap. Mula sa mga first year hanggang third year students.
Kabilang sa mga unang narekober na nasawing pitong estudyante ay sina Mikhail Alcantara, Helena Marcelo, Sean Alejo, at Michelle Ann Rose Bonzo noong mismong araw ng martes. Kinabukasan naman ay natagpuan sina Jeanette Rivera at Madel Navarro. At huling natagpuan naman ang mga labi ni Maiko Bartolome. Sila ay mga pawang first year students pa lamang.
Ang mga biktima ay sinasabing nasawi nang magkaroon ng flash flood sa Madlum River habang sila ay tumatawid sa nasabing ilog. Ngunit sa paunang imbestigasyon, sinasabing nagpapakuha ng larawan ang mga estudyante nang biglang magkaroon ng paglaki ng tubig sa ilog at tinangay ang mga biktima.
Ayon naman sa ilang survivors, isa rin sa kadahilanan nito ay walang kasamang kahit isang guro o faculty member ng unibersidad ang kasama at tanging mga local tour guides lamang.
Lunes pa lamang ay naroroon na ang ilang tourism students. Mga third year at ilang second year students. Ayon kay France Carlos, third year tourism students, noong araw na naroroon sila ay umaambon pa lang at maayos ang naging tour nila doon. Kinabukasan, martes ay ang mga first year at natitirang second year students na ang nagpunta sa nasabing lugar. At dito na nga naghudyat ang malakas na ulan at naganap ang trahedya.
Ang Madlum Cave ay isa sa mga itinuturing na pamanang lugar sa mundo at isang popular na destinasyon ng mga turista sa Bulacan. Kinikilala ring isang tourist attraction ang natural na ganda ng Madlum River kaya nga isa itong paboritong pasyalan ng mga mahihilig sa adventure. Ang Madlum Cave ay isang nakaka-excite na karanasan dahil hindi ka lang basta namamasyal kundi marami ding exciting na activities. Maaaring mag-trekking o hiking, river rafting, rock-climbing, at monkey bridge crossing.
Matatagpuan sa San Miguel ang Mt. Manalmon kung saan paakyat dito madadaanan ang Madlum Cave papunta sa Madlum River. Makikita talaga rito ang magagandang tanawin.
Ang lugar ay minsang ginamit ng mga Pilipinong rebelde na nakipaglaban sa Espanyol at pagkatapos ang mga Amerikano na nais sumakop sa ating lugar na higit sa isang daang taon na ang nakakaraan.
Naging makasaysayan din ang lugar ng Madlum dahil ginamit ang bundok ng mga katipunero bilang kampo at taguan.
Ngunit sinasabing ang Madlum River rin daw ay di umano’y isang mapangakit na ilog kung saan nangunguha nga raw ito ng buhay at isa na nga ang nasabing trahedya.
Noong 2004, nagkaroon din ng ganitong insidente. Mga bata at kabataan ang mga nalunod din sa Madlum River. Ayon sa mga opisyal, ang mga biktima ay tinangay din ng malakas na agos ng tubig habang nag-pipicknick ang mga ito sa lugar.
Ayon naman sa ibang opisyal, ang mga ganitong insidente ay sanhi ng mga illegal na pagpuputol ng puno at pagmimina sa lugar. Ngayon ay mayroong mga environmental groups ang gumagawa ng aksyon at operasyon upang masolusyonan at maiwasan na ang mga ganitong insidente.
Samantala, nagsabit naman ng itim na tela sa labas ng unibersidad at sa loob nito sa gusali ng College of Home Economics o CHE kung saan kabilang ang mga Tourism Students. Nagsagawa rin ng Black Day Protest o nagsuot ng itim na damit ang mga estudyante ng BulSu bilang pamamaraan ng pakikisimpatya at pakikiramay sa pamilya ng mga nasawing biktima.
Nagkaroon din ng paghahanda ang mga estudyante, guro at opisyal ng BulSU ng isang prayer vigil at misa sa loob ng unibersidad.
Ipinagbawal na rin ni Gov. Wilhelmino Sy-Alvarado ang mga field trip sa Madlum Cave at Madlum River, at pansamantala itong isinara sa publiko. Maging ang pagkakaroon ng kahit na anong field trip o team building na labas sa eskwelahan ay ipinagbawal na rin ayon kay Pres. Mariano De Jesus ng Bulacan State University.